RUBI-57 Unti-unting nagkamalay si Jhon at unti-unti na ring dumidilat ang kanyang mga mata, nakaramdam si Jhon ng kirot banda sa kanang ulo n'ya, kinapa n'ya iyon at nakadama s'ya ng malagkit na basa sa kanyang mga kamay, at ng tingnan n'ya iyon ay napagtanto n'yang dugo pala n'ya ang namamasa sa kanyang ulo. "Sh*t those men!" aniya sa kanyang sarili. "Thalia!? Thalia!?" kasunod n'yang sambit at hinanap ng kanyang mga mata si Thalia buong paligid ng bahay. "Ughhhhh!" anas n'ya ng kumirot ang isang parti ng kanyang dibdib tsaka palang n'ya napansin na may tama pala s'ya. Sinubukan n'yang tumayo at napapangiwi lang s'ya sa kanyang ginagawa subalit ininda n'ya ang lahat ng sakit na iyon. "They abduct her, she needs me," usal pa n'ya sa kanyang sarili habang pilit n'yang itinatayo ang

