Rubi-52 "Tito Alex, please give me more time. Babalik din po ako d'yan sa tamang oras," aniya sa kanyang tito sa kabilang linya. "Okay, okay, but Jhon, huwag mo namang tagalan masyado, hindi ko na kakayanin 'to kapag nagtagal ka pa," anito sa kanya. "Pasensya na Tito," tugon n'ya sa buong pag papaumanhin na tuno sabay baba ng phone. At sakto namang sa pagbaba n'ya ng kanyang phone ay may biglang nag doorbell na naman sa labas. "Haaaay, baka si Myla ito," aniya at lumabas s'ya sa loob ng kanyang bahay at tinungo ang gate. "Nasaan si Rubi!? Nasaan ang kapatid mo!? Kapatid mo ba talaga s'ya!?" agarang mapusok na tanong ni Alvin pagkabukas at pagkabukas pa lamang ni Jhon ng gate. Isinara ni Jhon ang gate at malakas itong pwersahang itinulak ni Alvin. "Bakit ka umiiwas!? Totoo ba!? As

