Rubi-60 Lumuhod si Thalia sa harap ng kanyang asawa at isinablay n'ya ang dalawang kamay nito sa kanyang balikat, subalit paulit-ulit lang itong nalalaglag. "Alvin! Tumayo ka! Tumayo ka! Pakiusap Alvin!" patuloy n'yang palahaw at pilit pa rin n'yang inaakay ang kanyang asawa patayo. "Alvin, tumayo ka na! Tumayo ka na Alvin! Alvin!" patuloy n'yang sambit sa kanyang pag iyak habang si Mildred naman ay nanginginig din ang kanyang mga kamay na nakahawak sa baril. Agad n'yang itinapon ang hawak-hawak n'yang baril at kumaripas s'ya ng takbo palapit kay Alvin sabay tulak n'ya kay Thalia. "Lumayo ka! Lumayo ka sa kanya!" galit sigaw ni Mildred kay Thalia, natumba si Thalia dahil sa pagkakatulak ni Mildred sa kanya, at wala s'yang ibang ginawa kundi ang humagolhol ng humagulgol. Buong higpit na

