RUBI-41 Bugnot na bugnot si Mildred na bumalik sa backstage dahil sa pagtalikod ni Alvin sa kanya na lubusan n'yang hindi ikinagagalak. At kasunod nun ay ang biglang pag tama ng mga mata nila ni Rubi at pamaldita pa n'yang hinawi ang kanyang buhok habang padabog na lumalapit sa gawi ni Rubi. "Hoi ikaw! Malandi ka rin ano! You are seducing my boyfriend! Alam mo, ang kati mo! Kapal ng mukha mo!" matapang na bigkas ni Mildred kay Thalia habang nandidilat ang kanyang mga mata. "Excuse me, ako? Malandi? Sa boyfriend mo!? Teka lang ha, sino ba 'yang lalaking sinasabi mong boyfriend mo? Iyon ba? Yung kakaalis lang na lalaki?" aniya. "Yes! His handsome right? Kaya binungahan mo pa sa pagrampa kanina ng nakita mong nakatitig s'ya sa'yo! How could you seduce my boyfriend in front of me!? In fro

