Nagsalubong ang kilay ni Shey nang ma-realize niya kung saan sila ngayon ni Steven. "Steven, anong binabalak mo?" anas niya sabay tingin nang masama sa binata. "I told you, didn't I?" saglit siya nitong binalingan na may ngisi sa labi. "It’s time to play this game my way, Lieutenant." Napipilan si Shey. Hindi niya akalain na sa iisang iglap lang ay mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa ni Steven, na siya naman ngayon ang naka-posas at bihag nito. Napaungol siya. Kailangan niyang mag-isip nang paraan para makatakas siya sa sitwasyon niya ngayon. Muli siyang napatingin sa paligid niya. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Batangas port silang dalawa ni Steven. At hindi maganda ang pakiramdam niya sa nangyayari. "Come on, Steven." muli niyang binalingan ang binata. "Don't do this."

