"Mommy!" Malakas na tawag ni Lumi kay Shey na masayang sinalubong sila ni Addie sa pintuan ng mansion ng Villareal. Agad naman niyang hinalikan sa pisngi ang anak sabay buhat dito. "Ang bigat mo na, Lumi. Mukhang na spoiled ka na naman dito, ha?" tanong ni Shey sa anak niya na nakanguso na. "Hindi kaya, Mommy. Tinitipid nga ako ni Lolo Mat sa food, eh." reklamo ni Lumi sa kanya. "Eh, ano iyang hawak mong donut?" Kumagat muna si Lumi ng donut bago bumaling kay Addie. "Pa, ang higpit ni Mommy. Parang donut lang, eh." Naiiling na lang si Shey sa anak. Samantalang si Addie ay natatawa na kinuha si Lumi kay Shey. "How's my princess? Nag-enjoy ka ba sa bonding niyo ni Lolo Mat?" "Okay lang naman, Papa Addie. Kaya lang sabi ni Lolo Mat, masakit daw tuhod niya." niyakap ni Lumi ang leeg n

