"It's good to see you again, Lieutenant." Pinagmasdan maigi ni Shey ang gwapong mukha ni Steven na hindi nawawala ang pagkakangisi sa labi nito. Hindi na din tinago ni Steven ang ekspresyon ng mukha nito sapagkat nakatalikod na ito kay Chief Vicente. Kitang-kita ni Shey ang mapaglarong mga ngiti at kislap sa mga mata nito. But then again, her expression is still the same. Sinuguro niyang walang mababasa si Steven sa kanya kahit na kaunting pagkailang man lang. She would walk away with her pride intact — no matter the cost. Itinago niya ang kamay niya sa magkabilang bulsa niya saka tinignan niya nang matiim ang magandang mata ni Steven. "No worries, Mr. Miller. Kapag nahuli kita na may nilabag na batas, ako mismo ang mag-tour sa'yo sa selda." anas niya nang buo ang tinig. He laughed.

