Chapter 1

1860 Words
YEAR 2017 Mabilis ngunit sigurado ang mga hakbang ni Shey habang binabagtas ang kahabaan ng hallway ng Eclipse Palace. Ayon sa impormasyon na binigay sa kanya ng kasamahan niya sa departamento nila ay doon niya matatagpuan ang tao na makakatulong sa kanila para mahanap ang suspect sa isang kaso na halos mahigit isang buwan na nilang hawak. Sa edad na diseotso ay maaga siyang naka-graduate sa PNP Academy sa tulong na din ng kanyang Papa, si Captain Mateo Villareal. Ito ang humasa at nagturo sa kanya para maging isang magaling na pulis. Dahil kaka-graduate pa lang ay nasa babang ranggo pa lamang si Shey. Ngunit hindi naging hadlang iyon para mas maging magaling pa siyang alagad ng batas. She wanted to excel to her job. Gusto niyang maging katulad ni Captain Mateo Villareal. Isang tinitingalang alagad ng batas sapagkat marami na itong naipakulong na kriminal. Shey knows her time will come—and when it does, she’ll take what she wants. Sa ngayon, marami pa siyang kakainin bigas para maging katulad ng Papa Mateo niya. Gusto niyang patunayan sa unit kung saan siya naka-assign ngayon na importante ang role niya. Na hindi lang dahil sa impluwensya ni Captain Mateo kaya siya nakapasok agad sa Homicide Division ng PNP. Nang tumapat siya sa room number na binigay sa kanya ay lumingon muna si Shey sa paligid niya. Tahimik ang buong hallway, halos walang dumadaan na guests o tauhan ng hotel. Marahil dahil malalim na ang gabi. Room 1488 Dito daw niya makakausap ang tao na makakatulong para matunton nila ang suspect na matagal na nilang hinahanap. Humugot muna si Shey nang malalim na hininga bago niya hinugot ang sa bag niya ang access card na binigay sa kanya ng kasamahan niya. She was wearing a mini skirt with sleeveless black satin blouse. Hinayaan din ni Shey na ilugay ang medyo kulutan at mahabang buhok niya. Ganoon ang sinunot at gayak niya para hindi siya pagdudahan ng mga tauhan ng hotel. Hindi rin niya dapat ipaalam na isa siyang pulis sapagkat hindi alam ng Lieutenant nila ang gagawin niyang hakbang ngayon. Ngunit hindi pa niya na-ta-tap ang access card ay napansin na ni Shey na bukas na pala ang pintuan. Ibig sabihin ay hinihintay siya nang kung sinoman ang tao na nasa loob niyon? Napakunot ang noo niya. Kinapa niya ang pistol niya na nakatago sa hita niya. Hindi niya iyon service unit. Ang baril na hawak niya ay binigay sa kanya ng Papa Mateo niya para sa personal niyang proteksyon. Para daw ma-protektahan niya ang sarili. Humugot muna si Shey nang hininga bago pinagpatuloy ang pagtulak niya ng pinto. Bumungad sa kanya ang napakadilim na unit na tanging isang lamp shade lang ang nagsisilbing liwanag. Malikot na ginala ni Shey ang paningin niya sa buong silid. Kailangan masanay ang mata niya sa dilim, hindi pwede na mapanatag lang siya agad. Maraming pwede mangyari sa kanya kaya kailangan niyang mag ingat. Nang masanay ang mata sa dilim ay narinig niya ang mahinang ungol kaya naman agad kinuha ni Shey ang baril niya. Ikinasa sabay tutok. Nang muli niyang marinig ang ungol doon lang niya nasiguro na nanggagaling iyon sa kwarto. Bago pa siya lumapit doon ay muli niyang tinignan ang buong sala, at nang masiguro na walang kahit na anong panganib na nag-aabang sa kanya ay saka siya lumapit sa pintuan ng kwarto. Hindi din iyon nakasara. Hawak ni Shey ang baril niya ay tinutok niya iyon sa pintuan. Mahirap na, baka maunahan pa siya nang kung sinoman ang nasa loob niyon. Dahan-dahan niya iyon itinulak. Tulad sa sala ay tanging lampshade lang ang tanging liwanag sa buong kwarto. Bumungad sa kanya ang isang lalaki na nakaupo sa gilid ng kama. Nakayuko ito habang sapo ang dalawang kamay sa noo. Alam ni Shey na malaking lalaki ito kahit na nakaupo pa lang ito sa kama. Tingin niya ay nasa anim na pulgada ang tangkad niyon at may magandang pangangatawan. Mahaba na hanggang balikat ang kulutang buhok nito. Muling narinig ni Shey ang ungol nito na tingin niya ay parang nasasaktan. Nang mag-angat ang mukha ng lalaki ay natigilan si Shey. Kumabog ng husto ang dibdib niya nang matama ang mga mata nila. Ilang beses siyang napalunok. Kahit naman na galing lang sa lamp shade ang ilaw ay kita pa din niya ang angking kagwapuhan ng lalaki na ngayon ay matiim na nakatingin sa kanya. His eyes are a deep brown that hold more than they reveal. But something in his eyes said he was unreadable and unforgiving. A dangerous glint crossed his eyes. Clearly saying that he won't hesitate. Saglit na natigilan si Shey. He won't hesitate for what? Ngunit agad niyang hinigpitan ang hawak niyang baril, tinapat niya sa lalaki na hindi man lang natinag sa pagkakaupo habang hawak pa din ang isang kamay sa noo nito. "Sino ka?" Imbis na sumagot sa kanya ang lalaki ay umungol lang ito na para bang nasasaktan. Napakunot ang noo ni Shey nang mapansin niya na hitsura nito. Is he under the influence? Marunong si Shey tumingin ng tao na may tama ng pinagbabawal na gamot. Pero sa nakikita niya sa lalaking ito ay iba, na para bang nasasaktan ito. "Sino ka?" muli niyang tanong dito. Hindi pa din niya binababa ang hawak na baril at nanatili pa din nakatutok ang hawak niyang baril dito. "Ano pangalan mo?" Ngunit ungol lang ang sinagot nito sa kanya. Ito na naman ang daing nito na parang nahihirapan nang husto dahil rinig niya ang mararahas nitong paghinga na para bang may bagay itong gustong pigilan. Doon siya nagduda kung tama ba talaga ang kwarto na napasukan niya. Walang pag-aalinlangan na nilapitan niya ang lalaki kaya mas lalo niya itong natitigan nang husto. Prominente ang bakas ng mukha nito na dumagdag pa ang matangos na ilong na bumagay dito. Napalunok si Shey nang muli na naman siyang titigan nito nang matiim sa mga mata. Ito na naman ang kabog ng dibdib niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Sa buong buhay niya, ngayon lang niya naramdaman ang bagay na iyon. Dahil ba gwapo ang lalaking kaharap niya? Shey can also smell his natural scent. It was manly, sharp, and unsettling. Parang may kakaiba itong gustong iparamdam sa kanya na kahit siya ay gusto na niyang kabahan. "D-Do you need help—" Awtomatikong napatigil ang kung ano man ang sasabihin niya nang bigla itong tumayo. She was five feet and eight inches ngunit nang tumayo ito ay parang nanliit siya bigla. Nang titigan niya ulit ang mga mata nang lalaki ay natigilan siya. There was something in his eyes, his dark deep brown eyes that can make her feel weak. Hinapit nito ang beywang niya gamit ang dalawa nitong kamay. Mahigpit ang pagkakahawa niyon sa balakang niya na para bang wala itong balak na pakawalan pa siya. Ramdam na ramdam ni Shey ang sobrang init na nanggagaling sa katawan nito. May lagnat ba ito? Bakit ganoon na lang ang temperatura ng lalaki? Kaya ba umuungol ito nang ganoon dahil may sakit? "Teka—" Nanlaki ang mga mata niya nang sapuhin ng lalaki ang likod ng ulo niya at walang babala na sakupin ang labi niya. His lips did not hesitate to claim her mouth. Hindi rin masuyo ang halik na binigay nito. Ang halik na iyon ay madiin na halos kagatin na nito ang buong labi niya. Masakit at parang mapagparusa ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Impit na umugol si Shey habang pilit na kumakawala sa mahigpit nitong pagkakayapos sa kanya. Ngunit parang hindi man lang niya kayang kumawala dito dahil kakaiba ang lakas ng lalaki. But there was something about his kisses, as if they were stirring something awake inside her. Para siyang naliliyo sa uri ng halik na binibigay nito. Marahas man ngunit napapaungol siya. His kisses unraveled her, leaving her knees weak. Yes, ramdam niya ang panghihina ng tuhod niya. Literal na nanginginig iyon. Lalo't sumabay pa ang dibdib niya na para bang nag-uunahan sa pagkabog. Ano bang nangyayari sa kanya? She is not normally like this. Never pa siyang nagpapahalik sa lalaki. Pero ito, hinahalikan siya na hindi man lang niya magawang manlaban ng husto? Saka bakit parang ang tamis yata ng labi nito? Nang mapansin marahil ng lalaki ang hawak niyang baril ay agad nito iyon inagaw sa kanya saka binato sa malayo kung saan hindi na niya agad iyon makukuha. Pinawakalan man nito ang labi niya ay tumitig ito sa mga mata niya. Ito na naman ang klase nang tingin na halos lamunin na naman siya. Sensuyal na pinisil nito ang balakang niya. Ramdam na naman ni Shey ang kakaibang init na nagmumula mismo sa katawan nito. "F*ck, f*ck." Sunod-sunod na mura nito. Halatang nahihirapan ang lalaki sa kung anoman ang nangyayari sa katawan nito ngayon. But his voice is like music in her ears. Maganda iyon pakinggan sa tenga niya. Lalaking-lalaki. Muli tuloy napatingin si Shey sa mapupulang labi nito na kanina lang ay parang gustong-gusto kainin ang labi niya. Even his touch set her heart racing. What the hell is happening to her? Bakit ganito na lang ang epekto ng lalaki sa sistema niya? Nang mahimasmasan si Shey ay pilit niyang itinulak ang katawan palayo dito. "D-Do you need medical assistance? I can call the hotel security." Napaungol ito nang malakas. Agad siya nitong hinapit ulit sa beywang saka sinubsob ang mukha sa leeg niya na kinagulat niya. Sunod-sunod na napahugot ng malalim na paghinga ang lalalki. Kahit ang hininga na nanggagaling dito ay napakainit. Ramdam niya iyon sa leeg niya. Napalunok si Shey nang ilang beses. Impokrita siya kung itatanggi niya sa sarili niya na wala siyang kakaibang nararamdaman ng mga sandaling iyon. "I want you.." anas nito sa baritonong tinig. May halong paghihirap man ay rinig niya na buo ang tinig nito. Lalaking-lalaki iyon. Napalunok si Shey nang ilang beses. Ano ibig sabihin nito na gusto siya nito? "Please, help me. I want to release this pain." ungol nito na hindi pa din umaalis sa pagkakasubsob sa leeg niya. Ramdam ni Shey ang paghamplos ng kamay nito sa likod niya na para bang gusto nitong ipakita sa kanya ang paghihirap nito. Ilang saglit lang ay iniangat na ng lalaki ang mukha mula sa pagkakasubsob sa kanya. Tinignan siya nito nang diretso sa mga mata niya. Muli ay nag-uunahan na naman ang pagkabog ng dibdib niya sa kaba. "Help me, please?" Hinaplos nito ang dalawa niyang braso at muli siyang hinapit papalapit. Halos ilang pulgada na lang ang layo nang mukha nila sa isat-isa. "This isn’t me—but I want you." anas nito na parang hirap na hirap na naman ang boses. Parang kung sasabihin niya na lumuhod ito sa kanya ay gagawin nito para lang mapagbigyan niya. Muli niyang tinitigan ni Shey sa mga mata ang lalaki. Nandoon na naman ang kakaibang kislap ng mga mata nito na matiim na nakatingin sa kanya. Ngunit hindi niya talaga maintindihan ni Shey ang sarili. Hindi na siya nag taka nang makita niya na tumatango na lang dito. Muli ay mas lalong umigting ang kislap ng mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Did she say yes to him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD