Inis na tinanggal ni Shey ang pink na buhok na suot niya sabay hagis sa loob ng van nila na nakaparada sa isang bagong tayong high-end bar sa Tomas Morato. Mayroon kasi silang operations sa loob niyon dahil nakakuha sila ng mahalagang impormasyon na nandoon ang suspect na ilang linggo na nilang pinaghahanap sa homicide case na hawak nila ngayon. That criminal f*cking killed his cousin because he scratched his sports car. Marami na talagang nasisirang ulo sa panahon ngayon kaya ang ulo din niya lalong umiinit lalo. "Sino ba ang nagbigay ng wig na 'to?" sita niya sa mga tauhan niya na ngayon ay walang imik habang nasa loob ng van. Humugot si Shey nang maraming hinga para payapain ang nagpupuyos niyang kalooban. Napahawak siya sa ulo niyang kasalukuyang kumikirot. Nagpanggap si Shey bilan

