Mariin ipinikit ni Shey ang mata niya habang nakasandal sa swivel chair niya. She was tired. Really tired. Pagkatapos nilang makulong si Anthony Villaflor ay agad na napatawag ng presscon ang Chief nila para i-announce niya na nahuli na nila ang serial killer at para ipaalam sa buong bansa na wala na silang dapat na ikatakot pa. Kanina habang nasa interrogation si Villaflor ay hindi na nito binanggit ang tinutukoy nitong master. Na kahit na anong pilit ni Shey ay wala itong sinasabi na impormasyon tungkol sa master nito. Pero hindi tanga si Shey para hindi magkahinala ang master na tinutukoy nito ay ang The Black Santo. Ang mata ni Anthony noong sinaksak siya nito. At ang paraan ng pag-sipol nito. Lahat ng iyon ay may kinalaman sa tao na matagal na niyang hinahanap. Minulat ni Sh

