Chapter 20

1138 Words
_ALIYAH'S POV_            Ilang araw na ang nakalipas ng bumisita sila tita Lara dito sa bahay ay nagbalik sa dati ang sigla ni Aethan .    "Beshy . So hindi na kayo tutuloy sa america . Kasi okay naman na si Aethan e oh . " Kasama ko si Steph . Bisita ko sya sa bahay ngayon habang pinapanood namen ang aking anak na nagsuswimming sa pool .     "Baka hindi na nga . Nagtataka lang talaga ako.. ano kayang ginawa nila Aeron sa anak ko at bakit biglang naging okay . "   "Baka naman naghahanap lang ng father figure si Aethan . At kay Aeron nya nakita yun . ". Kunway kiniilig pa na napatingala ang aking bestfriend .   Minsan din ay naiisip ko ang bagay na yun . Hindi kaya at naghahanap si Aethan ng isang ama . Hindi naman sapat ang pagmamahal ko lang . At iba din ang pagmamahal ng dadilo nya .     "Anak may bisita ka." Napalingon kame ni steph kay mama at kasunod nito ang isang halos kawangis ng mga Diyos . Nahypnotized na naman ako sa kakisigan ng taong ito . Almost perfect creation of God .     "Aliyah . " Napatayo ako at napatingin sa bisita .    "Aeron . Bakit ka nandito ?" Tumingin ito sa batang nasa pool . Kumaway si Aethan kay aeron .     "Uhm . Sabi kasi ni mama baka wala daw kayong ginagawa kung pede daw kayong i invite ni Aethan sa bahay . Nagluto si mama ng masarap . " Napatingin ako kay Steph na halos parang kinikilig na di mawari .     "Ahhhh . Sige . Bibihisan ko lang si Aethan . " At niyaya ko na ang bata na umakyat sa taas para magpalit . Pumasuk din ako sa aking kwarto . Naghanap ng magandang dress na pede kong suotin . Nauwi ako sa isang floral na violet dress na hanggang tuhod lamang . Nagtali ako ng buhok at saka lumabas ng kwarto .  Akay ko si aethan pababa ay tila si Aeron naman ang hindi makapaniwala sa nakikita .  Nagpaalam na kame sa aking mga magulang at saka nagpasyang umalis .  ------------------------------------------------     "Tita lara ! Its nice to see you again . " Isang beso beso ang aming pagbati. Inikot ako nitong mabuti at niyakap .     "Your so pretty iha . " At isang masayang ngiti ang aking pasasalamat .    "Hello Aethan . Mister master and i will give you something later." Tila naexcite ang anak ko sa sinabi ni Mina .  Hinila na ako ni tita Lara kaya nawala na sa isip ko sila Aeron .  Nasa hapag na kame ngunit tawanan ng tawanan ang tatlo at parang halos kame lang ni tita Lara ang kumain ng mga handa sa lamesa .  Ilang oras pa kameng naglagi at ng pa dapit hapon na ay nagpasya na kameng umuwi .       "Tita . Kita nalang po tau ulit . " Nasa labas na kame at hinihintay ang sasakyan ni Aeron .       "Oo iha . Hindi ako magsasawa na makita ka araw araw . " Nang pumarada na ang sasakyan ay sumakay na si Mina at si Aethan na nakatulog sa pagod kakalaro .  Sumakay na din ako sa harapan ng sasakyan .       "Lets go .?" Tango lamang ang aking isinagot sa lalaking aking pinapangarap .  ----------------------------------------     "Salamat sa paghatid . Mag iingat kayo sa pag uwi .  Nasa bahay na kame . At pababa na kame ng sasakyan . Inalalayan ni mina si Aethan na makababa . Pababa na ako ng hilahin ako ni Aeron sa aking kamay .       "Ah Aliyah . " Napatingin ako sa kamay nito . Agad itong bumitaw at nailang .      "Gusto sana kita yayain bukas lumabas . " Napangiti ako .      "Oo naman free naman kame ni Aethan . "     "Hindi !" Nabigla ako sa sagot nito .      "Ikaw lang sana at ako . Naalala mo yung date na sinasabi ko nung dumalawa kame dito  " Tila nabingi ako sa aking narinig . Ako at sya lamang . Tango na lamang ang aking naisagot sa nais nyang paglabas .  Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam na sa mga ito .  Nang makaalis na ang sasakyan ay hindi ko mapigilan ang mapangiti . Pag harap ko sa pintuan ay napatigil ako .     "Anong nginingiti mo ?", Tila nanunukso ang aking mama at papa sa kanilang nakitang kasiyahan sa aking mukha .     "Wala yun ma . Natuwa lang ako kasi hinatid kame ni aethan . Other than that wala na."     "So yung pagyaya na mag date wala lang yun . "     "Maaaaaaaaa. Nakikinig ka ng usapan !!" At ang tuksuhan ay umalingawngaw sa buong bahay .  Sa gabing akala ng lahat ay payapa . Hindi namen napansin pare pareho na nasa malapit na pala ang panganib .  ----------------------------------------------------------    "Aura . !" Tumakbo si Aeron sa kakahuyan . Tila nagmamadali na makarating sa kanyang paroroonan .     "Aeron !" Nagyakap ang dalawang nilalang . Nagsiil ang mga labi . Tila sabik sa kanilang pinagbabawal na pagiibigan .    "May nakasunod ba sayo ?".    Sa mahigpit na pagyakap ay nagawang magtanung ng prinsipe .    "Wala . Hindi nila namalayan ang pag alis ko sa kastilyo . ".   Muling tumingin ang dalaga kay aeron .     "Mahal ko itakas mo na ako . Ayoko ng bumalik sa aking ama . " Pinisil ni aeron ang mukha ng dalaga .. tila naninibugho ito sa hindi mapagbigyan na kahilingan ng iniibig.    "Oo mahal ko . Gagawa tayo ng paraan upang makatakas .." At isang halik at pagniniig ang lumukob sa dalawang nagiibigan sa ilalim ng bilog na buwan . Sa pagkakaganap ng kanilang pagiibigan ay nakatulog ng magkayakap ang dalawang nagmamahalan .  *      "Aerroonn !!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ng dalaga . Nagising ang binata at agad itong tumayo sa damuhan .       ,"Lapastangan ka prinsipe ng mga diwata !! Kinuha mo ang kalinisan ng aking anak sa ganitong pamamaraan !!" Dumagundong ang langit . Nagbabadya ang nagngangalit na kidlat at kulog . Tila naghihinagpis sa galit ang pinagmumulan nito .       "Sa iyong kalapastanganan !! Iyong buhay ay syang mamamaalam !" Isang malakas na kapangyarihan ang pinakawalan ng mabagsik na nilalang . Patungo sa prinsipe . Ngunit agad itong nasalag ni Haring Calixto .        "Calixto !! Alam mo ang kalapastanganan ng iyong anak ngunit ito'y iyong binabayaan ?!?!" Lalong naghumindig sa galit ang nilalang na ito .        "Kahit sa kadiliman nagmumula ang iyong anak Haton .. kaya alam kong may maitim kayong balak sa pagpapaibig sa aking anak ! At eto na nga ba ang aking sampantaha ! Gusto nyong bihagin ang aking pronsipe !! Upang mapaslang !!" At isang malakas na kapangyarihan ang sumabog sa kalangitan . Galit ng dalawang panig .        "Pagbabayaran mo prinsipe Aeron ang paglapastangan sa aking prinsesa !!!" At isang palahaw na nakakakilabot ang umalingawngaw sa paligid kasabay ng pagkawala ng babaeng iniibig ng prinsipe . 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD