_AERON'S POV_ " Aaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!" Napakasakit !! Tila niluluto ang aking buong katawan . Tumakbo ako sa kakahuyan patungo sa karagatan. Sumisid sa kailaliman kahit na madilim na ang kapaligiran . Ngunit hindi nito maibsan ang sakit na aking nararamdaman . Sinira ko na ang aking damit na suot . Ang init ! Sobrang ang init sa pakiramdam . Para akong sinusunog. Nakarating ako sa isang kweba . Namimilipit ako sa sakit na nadarama . Katapusan ko na ba ? Hindi ko na kaya ang sakit . Ikamamatay ko ang sakit na ito . Hindi ko na namalayan pa kung gaano katagal na akong naghihirap sa aking nararamdaman . Palabas na ang Fullmoon . Konting konti nalang . Kung sa ganiton hindi pankaganapan ng pagbilog ng buwan ay napakasakit na ng aking nararamdaman ano pa kaya sa ganap nitong ka

