“Happy Birthday Coraline!” Agad akong napa tingin sa mga kaibigan ko pagka pasok ko ng hotel room namin ni Lucy. Kaka tapos ko lang makipag usap sa may ari nung bahay na nakita namin sa Tagaytay. Gusto sana namin bagong bahay kaso wala kaming mahanap na bagong bahay na may Magandang location. “Why are you all here?” naka ngiwing tanong ko sakanila. Halos sabunutan naman ako ni Oceana dahil sa tanong. “Girl seryoso ka ba? Alam naming busy ka pero bakit parang nakalimutan mo naman yata bigla ang birthday mo?” taas kilay niyang tanong sa akin. “Hindi naman,” sagot ko sakanya. Sumimangot naman siya sa akin at inirapan ako. “Happy birthday mommy,” naka ngiting bati sa akin ni Lucy. Ngumiti naman ako sakanya. “Thank you, Lucy,” naka ngiting sagot ko sakanya at kinuha ko ang regalong

