Sean's orderly life is about to be disrupted. He doesn't know it yet. Nagmamadaling tinungo ko ang garahe. Natanaw ko kasi na papunta na roon si Sean. Sumigaw ako para kunin ang pansin niya. Kunot-noong lumingon siya sa akin, may halong pagtataka sa ekspresyon ng mukha niya. "Sa opisina ang diretso mo, 'di ba?" nakangiting tanong ko. "Oo. Bakit?" alanganing sagot niya. "Sabay na ako kung okay lang sa 'yo." "Anong nangyari kay Arman?" Si Arman ang all-around guy dito sa bahay. Siya ang tsuper, hardinero at errand boy. Isa siya sa mga libreng pinag-aaral ni Sean. "May exam siya mamaya kaya ayaw ko nang istorbohin. At saka naisip ko, mas praktikal kung sa 'yo na lang ako sasabay. Tutal pareho naman tayo ng pupuntahan. Okay lang ba?" "Of course." Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasaky

