Dumiretso kami ni Sean sa tinutukoy ni Quan na all-you-can-eat buffet style restaurant na tuwing gabi lang nagbubukas. Iginiya ako ni Sean sa mesang pinaglalagyan ng mga pagkain. Barbecue at salad ang kinuha namin at tumuloy na kami sa labas kung saan may mga mesang nakalaan para sa mga diners. Matapos maghapunan ay naglakad-lakad kami sa tabing dagat. May tangan siyang bote ng apple cider at beer. Nang mapagod, umupo kami sa buhangin at tahimik naming pinagmasdan ang paghampas ng alon sa dalampasigan. "Gusto mo?" Alok niya sa akin habang iniaabot ang bote ng apple cider. "Salamat." Kinuha ko iyon at saka pinihit ang takip upang mabuksan. "Hindi mo nabanggit sa akin kung anong naging buhay mo nang magtungo ka sa Sydney." Lumagok siya ng beer bago niya ipinatong ang kaniyang braso sa na

