Hinati ko ang aking oras sa pagitan ng trabaho at sa pagbabantay kay papa sa ospital. Mabuti na lang ay kaagad na nalapatan ito ng lunas no'ng atakihin siya ng alta-presyon kaya hindi ga'nong malaki ang pinsala nito sa kanyang utak. Isang magandang resulta sa lahat ng kamalasang dumating ay ang pagbalik ni mama rito sa Pilipinas. No'ng nabalitaan niya ang nangyari kay papa ay hindi na siya nagdalawang-isip na umuwi. Halinhinan kami sa pag-aalaga kay papa na kasalukuyang tumatanggap ng intensive therapy sa rehabilitation facility ng ospital upang bumalik ang normal na kilos ng kanang bahagi ng kanyang katawan. Hindi pa rin huminto ang delubyong nais sumira sa kompanya. May ilang maliliit na insidente pang nangyari. Lahat ng iyon ay alam naming pakulo ng AGL. Katulad na lang no'ng nagkar

