Napakabilis ng mga pangyayari. Ilang segundo lang pala ang kailangan para mabago ang lahat. "Melly? Sino 'yong dumating?" tanong ko. Nasa kusina ako at nagluluto. "Lalaki, Ate Delta. Brian daw ang pangalan at kayo ang hinahanap." Sandaling huminto ang t***k ng puso ko pagkarinig sa pangalang 'yon. Do'n pa lang ay hudyat na may hindi magandang mangyayari. Bakit ba nakalimutan ko ang lahat ng tungkol kay Brian? Kung kailan naman nandito si Sean ay do'n pa dumating ito. Kinakabahang inalis ko ang suot na apron at isinampay 'yon sa likod ng upuan. Nag-iisip ako ng sasabihin kay Brian para makaalis kaagad ito. Teka, ano bang dapat kong ikabahala? Wala naman kaming relasyon at wala akong dapat itago o ipaliwanag sa mga nangyayari sa buhay ko. "Brian," mahinang sabi ko nang makarating ako sa

