Chapter 28

2066 Words

Tama ba o mali ang desisyon ko? Huling baraha ko na ito kaya hindi ako mangingiming gamitin si Delta kung iyon ang kinakailangan. Lingid sa kaalaman niya, ang CreditSetter na pag-aari nina Quan ay isang institusyong pinansyal na naiiba sa karaniwang bangko. Ito ay kilala sa tawag na Peer-to-Peer Lending o P2P. Ang patakaran nito ay hindi kasing higpit kagaya ng huli. Anim silang nangungunang kapitalista at ang maliit na porsiyento nito ay hawak ng ibang indibidwal. Ang tiwala ng anim na ito ang nais kong makuha. Noong una, pabor sa akin na idawit si Delta sa lakad ko. May katotohanan ang sinabi niya na magsisiyasat sina Quan kaya napagpasiyahan kong isama siya. Sa ganitong paraan ay puwede kong pagtakpan kung sakaling may masagap na balita sina Quan na may gusot sa pagitan naming mag-asaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD