VALENTINE NIGHT

2472 Words
"S-Sir?" bungad ni Damsel. Parang piniga ang dibdib ko pero kinalma ko ang sarili ko. Pinapasok ko siya at pinaupo sa visitor's chair. Nagisip akong muli kung papaano bubuksan ang topic tungkol sa pagaaral niya hanggang sa naisip ko, bakit ko pa idadaan sa ligoy ang lahat? "Let's not beat around the bush, Damsel. I heard Raul. Bakit hindi mo sinasabi sa akin na may problema ka pala?" nanantyang tanong ko sa kanya. Namutla si Damsel. Saglit na umawang ang labi niya. Napatingin ako doon. Napalunok ako ng bigla kong naalala kung gaano katamis ang labi niya. Kung papaano nagpakawala ng masarap na ungol si Damsel noon... Tumikhim ako at sumandal para kalmahin ang utak ko. Tinitigan ko siya. I let her noticed that I am serious. Mukhang nakaramdam si Damsel. Doon siya napayuko at napabuntong hininga. "S-Sir... hindi ko naman ho iniisip na kailangan pa ninyong malaman ang mga problema ko. T-Tama na ho sa aking nakakasama ko kayo sa tuwing nalulungkot ako..." mahinang sagot niya pero nayanig ng husto ang utak ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Did she just make me an outlet? Should I be happy about it? Isip ako ng isip hanggang sa naramdaman kong parang may mali. I was hoping for more. And I don't expect to hear that from her... "Hiniwalayan na ho ako ni Freddie dahil may nahanap na siyang ibang babae. Hiniwalayan niya ako kung kailan kailangan ko siya dahil sa nangyari sa tatay ko..." mahinang amin niya saka malungkot na napatitig sa akin. "P-Pero sir... nandito kayo. Pinaramdam ninyo sa akin na hindi ako nagiisa. Sapat na sa akin iyon..." Nagkaroon ng bikig ang lalamunan ko. I can felt her sadness, her pains. It was written I her eyes. I can feel it in her words. And right there and then, I want to erase those feelings. I want to see her smile again. "I want to help," sabi ko saka tumayo. Naupo ako sa tapat niya at hinawakan ang mga kamay niya. Hindi ko na itatago pa ang kagustuhan kong makapasok sa buhay niya. Yes, it started in lust and I am still lusting for her but... I want to be part of her life. Bilang lalaking may mga resources, alam kong makakatulong ako sa kanya. "Sir?" takang tanong niya. Huminga ako ng malalim. "Pagaaralin kita pati mga kapatid mo. I want to help your family. Hindi ka na iba sa akin, Damsel," paliwanag ko saka hinawakan ang kamay niya at pinisil. Napatitig siya sa akin at hinila ko siya. Sa isang iglap, naikalong ko na siya. The moment I felt her familiar softness and warmth against my body, I sighed. Inilubog ko ang ilong ko sa batok niya at napaungol siya. "S-Sir... pinawisan ho ako," nahihiyang anas niya. "But you still smelled heavenly," sagot ko saka ko muling sinamyo ang bango niya. God... I realized how much I missed her. Ang bilis ng reaksyon ng katawan ko. Palibhasa isang linggo na akong walang nakakatalik. Madali na akong tigasan dahil doon. "N-Nahihiya na ako sa inyo, sir," nahihiyang sagot niya saka napayuko. Namumula na rin ang mga pisngi niya sa hiya. Tinitigan ko siya at nginitian ng masuyo. Hinaplos ko ang pisngi niya. I like how the way she blushed. Parang ang sarap kagatin ng pisngi niya. "Don't be. Hindi ka na iba sa akin. Isipin mo na lang, ginagawa ko ito para mapasaya ka," anas ko. I showered her with butterfly kisses on her cheeks. Damn, I got harder in just one snapped. "B-Baka may magalit sa akin..." nahihiyang ungol niya. Doon ako napangisi. "Wala akong girlfriend," anas na sagot ko saka kinagat ng bahagya ang tainga niya. Napaungol siya. I grinned the moment I saw her goose bumps. Hindi pa rin pala kumukupas ang epekto ko sa kanya. "Wala rin dito ang parents ko. Nasa ibang bansa kaya huwag kang magalala. Walang makikialam sa akin," "P-Pero—" "Isang pero at tanggi pa, hindi na kita palalabasin ng opisina ko. Gusto mo bang dito na kita—" "R-Ray!" nabibiglang bulalas ni Damsel at napahalakhak ako. Lalo akong natawa ng tampalin niya ang pisngi ko. Pulang-pula na ang pisngi niya sa hiya. "Nakakainis ka naman, eh!" Ngumisi ako at hinawakan ko ang kamay niya saka hinalikan ng ubod tagal. "I will do that. So please, stop saying 'pero' or what ifs. Whatever you do, I'll make sure that I can do something about it. Wala ka ng kawala sa akin, Damsel. Hmm..." Napaungol na lamang siya ng siilin ko siya ng halik. Saglit kaming nakalimot kung nasaan kami. I kissed her hungrily. I touched her until I whined. Pinilit ko nang pakawalan siya dahil baka hinahanap na siya ng mga kasama niya. "Go now. I'll wait for you, okay?" saad ko saka siya pinatayo. Nahagod ko siya ng tingin ng tumayo siya ng diretso. Lihim akong napangiti habang pinagmamasdan siya. Naisip ko kung gaano ako kapalad dahil nakapasok na ako sa buhay ni Damsel. Lucky because I know, we will be happy... . . . . . . . . . . . . . . . . . . . February 14, 2014 Valentine's Night at Ray's Den "You looked really, really lovely," pasimpleng anas ko kay Damsel habang buys siya sa pagpupunas ng mesa. Bilang pakulo para sa araw ng mga puso, napagusapan namin na mga staff ko na magsusuot ang lahat ng pulang polo shirt. Sa mga babae, may headband sila na may disenyong puso. Damsel looked really cute. Nakalugay ang alon-along buhok niya kaya lalo siyang naging cute tingnan. It's been a month since we talked about our set up. Dahil gusto rin niyang makapagaral at maiayos ang pamilya, pumayag siyang tulungan ko. Alam kong aangat ang kilay ng ibang tao sa ginawa ko. I am a thirty year old bastard. She was nineteen. Eleven years ang tanda ko sa kanya pero pinapatulan ko siya. But age was just numbers. Sa tuwing sasagi iyon sa isip ko, naiisip ko na lang na hindi ako magiging masaya kung hahayaan kong iyon ang pipigil sa akin. Ayoko na ring dayain pa ang nararamdaman ko. I want to be with Damsel and I don't care what others may say. Still, iniingatan ko pa rin ang pangalan niya. Halatado sa kilos niyang ayaw malaman ng iba ang nangyayari sa amin. Nakuha ko naman ang tahimik niyang mensahe kaya hindi ko siya kinukulit kapag nakikita ng mga tao ko. Binawasan ko rin ang mga pagkakataong ikinukulong ko siya sa opisina para maiwasang makapagisip ng masama ang mga kasamahan niya. Kaya hayun ako, pabulong-bulong na lang sa tabi niya at panay lihim na titig na lang ang nagawa. Pasimple niyang iginala ang paningin at ng masiguro niyang walang ibang makakakita, tumaas ang isang sulok ng labi niya saka ako inirapan. Natawa tuloy ako at napailing. But deep down inside, nakaramdam ako ng gigil. That kind of grin turned me really, really on! Ah, I was really excited to have her this night. That night was so special to us. Napagusapan na namin na magkikita sa bahay ko at... napangisi ako ng maalala ang paguusap namin kahapon. Hindi ko mapigilan. Damsel really amused the hell out of me... . . . . . . . . . . . . . . . . . "Ano'ng gagawin natin sa inyo noon?" nagmamaang-maangan na tanong ni Damsel matapos kong sabihing gusto kong pumunta sa bahay namin pagkatapos ng trabaho sa Valentine's Day. "Come on. Do I really have to say it?"nakangising sagot ko. Napasinghap siya ng haplusin ko ang tagiliran niya. Napamaang siya sa akin at agad na iginala ang paningin. Dadalawa pa lang kami sa bar kaya nasisiguro kong walang nakakakita. Nitong mga huling araw, maaga siyang dumarating para makipaglambingan sa akin. At natural! Gustong-gusto ko naman. Isang oras pa kaming magkukulong sa opisina at maguusap tungkol sa pamilya niya. Natutuwa talaga akong malaman na nakalipat na sila ng tinitirhan. Dati silang nakatira sa Payatas at binigyan ko siya ng pera pambayad ng upa para makalipat sa mas maayos na subdibisyon. Buwan-buwan akong naghuhulog ng pera sa personal account niya na binuksan ko. Doon ko inihuhulog ang mga allowances at pang-tuition nilang magkakapatid. At sa tuwing umuuwi siya sa akin kada Sabado—dahil napagkasunduan namin na ilaan ang araw na iyon para sa amin—binibigyan ko pa siya ng pera bago umuwi. Pang-grocery niya na iyon o bahala na siya sa gagawin niya sa perang iyon. Noong una, hindi pumayag si Damsel. Katakot-takot na pilitan pa ang nangyari dahil na rin sa labis niyang hiya. Napapayag ko lang siya ng hindi ko siya tigilang halikan at haplusin. Nakapagpatuloy naman na sa pag-aaral si Damsel. Hindi ko man sabihin, kusa niyang ipinapakita sa akin ang mga grades nilang magkakapatid at natutuwa akong makitang matataas iyon. That was enough for me. Pinakita niya sa aking hindi ako nagkamaling tulungan siya. Pero alam ko, nahihiya pa rin siya. Nagisip ako ng mas magandang paraan para maalis iyon at nakahanap naman ako. Iyon ang gusto kong ibalita sa kanya sa gabi ng mga puso. Gusto kong matawa sa sarili ko. Natuto na akong magsorpresa. Kung malalaman lang iyon ng mga kaibigan ko, siguradong pagtatawanan nila ako. Mabuti na lang, hindi na ako sumasama sa kanila. Siguradong uulanin na nila ako ng tanong. Nagpupunta naman sila sa bar pero hindi ko na hinaharap ng matagal. Bukod pa roon, hindi na ako nakipag-s*x pa sa ibang babae. Damsel became exclusively mine. Ganoon din naman siya sa akin dahil nasabi naman niyang hindi na siya nakipagbalikan pa sa dati niyang boyfriend at nagtitiwala naman ako. "Ray! Baka may makakita!" kinakabahang asik niya pero nasa mga mata ang matinding init at antisipasyon. I grinned. She called me that way again and I love to hear it. "Walang makakakita, masyado pang maaga." Sagot ko saka ginawaran siya ng malambing na kagat sa tainga. Napahalinghing siya at muntikang mawala na sa sarili kundi lang siya naging maagap. Natawa na ako ng makita kong pulang-pula na ang pisngi niya. "Okay. I have a surprise for you. So please... after work, let's go to my place..." lambing ko sa kanya. "Surprise? Hindi na surprise dahil sinabi mo na, eh," nagkukunwaring reklamo niya at napahalakhak na akong tuluyan. "Pinilit mo akong sabihin tapos magrereklamo ka. Clever," Napatili na lang siya ng siilin ko ng halik ang tainga niya. Alam kong malakas ang kiliti niya roon. Lihim akong napangiti ng maramdaman ko ang pananayo ng balahibo niya. I grinned at her. "Affected?" "Tse!" asik niya sa akin habang namumula ang pisngi niya. She was obvious but still denying it. Natawa na lang akong muli sa lahat ng iyon... . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Isang makahulugang tingin ang iginawad ko kay Damsel bago ako tuluyang pumasok sa opisina bago magtrabaho. Buong magdamag, ganado ako. I was inspired. I was really happy. Lalo na't paganda ng paganda ang takbo ng samahan namin ni Damsel. Makalipas ang limang oras, may kumatok sa pinto ko at agad akong napangiti ng pumasok si Damsel. Nawala lang ang ngiti ko ng makita ang matinding kalungkutan sa mga mata niya. Agad akong tumayo at nilapitan siya para paupuin sa visitor's chair ko. "Why? What happened?" alalang tanong ko. "Kailangan kong umuwi. Nag-text si tatay. Mukhang may problema sa bahay," malungkot na paalam niya sa akin saka napayuko. Mukhang nahihiya dahil hindi na siya makakapunta sa usapan namin. Nalungkot man ako, agad pa rin akong tumango. Hinalikan ko ng matagal ang noo niya at masuyong pinagmasdan siya. "It's okay. Sige na. Teka, ihahatid kita—" "Hindi na!" agad niyang awat saka hinawakan ang mga kamay ko. Uminit ang puso ko ng pisilin niya ang mga kamay ko at tinitigan ako. Napalunok ako. Hayun na naman ang mga mata niyang nangungusap. I do really love to stare at them even it takes me forever... "A-Ako na ang bahala... magiingat ka, ha?" aniya saka agad na akong hinalikan sa labi. Hindi na niya ako pinagsalita pa dahil agad na rin siyang lumabas ng opisina ko. Napahinga na lang ako ng malalim saka napaupo. Hindi na rin ako nakapagtrabaho dahil nilamon ako ng matinding pagiisip. I was worried too. Gustuhin ko mang samahan si Damsel na harapin ang problema, hindi ko basta magawa. Isa iyon sa mga consequences ng paglilihim ng relasyon namin ni Damsel. Hindi ako basta makakilos ng malaya. Napabuntong hininga ako. Sana, maging maayos din ang lahat at hindi ganoon kalala ang problema nila Damsel. Maybe, I should follow her later... piping anas ng isip ko at napatango. Malas lang dahil wala si Irma, walang ibang titingin ng bar ko kaya kailangan talagang manatili ako doon. Matyaga ko na lang hinintay ang pagsasara hanggang sa nakita ko ang message ni Damsel sa cellphone. Nakauwi na raw siya at okay na daw ang problema sa bahay nila. Magkita na lang daw kami sa trabaho bukas. Nag-good night na rin siya dahil matutulog na siya. Napatango ako. Napilitan akong umuwi na lang sa amin. Pagkauwi ko, napabuntong hininga ako. Saradong-sarado ang buong bahay. Madilim. Kasing dilim na rin ng buhay ko dahil wala si Damsel ng oras na iyon. Matagal na akong nagiisa sa bahay na binili ko pagka-graduate ko ng college. Iyon ang unang pudar ko. Mula iyon sa trust fund ng lola naming Canadian. Pure Canadian ang tatay ko at Pure Filipina ang nanay ko. Nasa Canada sila. Ang kuya ko lang ang kasama ko dito sa Pilipinas at siyang nagma-manage ng five star hotel namin. I used to work there. Limang taon akong nagtrabaho doon bilang assistant niya. We used to be good buddies. Nagkasira lang kami dahil sa isang babae. Isang dahilan din iyon kung bakit hindi na ako nagseryoso. Magmula noon, naging ganito ang buhay ko. Woman in my life just come and go. Si Damsel lang ang nanatili ng ganoon katagal. And that what made her special. I continually lust for her. Alam ko, magsasawa ako sa s*x pero hindi pagdating kay Damsel. Her laughter's and voice made that house lively. God I missed her terribly. Napabuntong hininga na lang ako ulit pagkapasok ko sa bahay. Napakunot na lang ang noo ko ng maramdamam kong parang hindi ako nagiisa. Sinindihan ko ang ilaw at napanganga ako ng makita ko si Damsel! Hindi na ako magtataka kung papaano siya nakapasok. May sarili na rin siyang susi para makakapasok na siya sa tinitirhan ko anytime na gusto niya. Naka-violet na nighties siya. Halos kita na ang kaluluwang gustong-gusto ko ng masilayan. Nakaupo siya sa pinakasulok ng sofa. Tutop niya ang bibig at pulang-pula na ang mukha sa sobrang hiya! And then I laughed so hard! Ako ang may sorpresa pero mukhang ako ang sinopresa niya. w-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD