“AEYZHA.” Hindi ko alam ano ang unang sasabihin. “Pasensya na. Sasabihin ko sana kapag naintindihan ko ang lahat.” Lumunok ako para mawala ang bara sa lalamunan. I stared blankly at the papers in front of us. Ngayon, nakalatag na nga ang mga ‘yon, hindi na binalak na takpan pa. Kitang-kita ko ang bawat detalye. Pero hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin nito. Isa lang ang malinaw sa ‘kin ngayon, ang napagbentahan ng lupa namin ay connected sa kompanya ng Dad ni Eustace. At ang alam ko. . . Dad scammed the buyers through faked documents. At nadamay pa si Heiro. “Alam mo ang lahat ng ‘to? Kaya ka hindi agad umuwi sa Pilipinas?” “Papa told me this,” ani Eustace. “Hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin niya. But I guess they immediately hired you for the job because of a specific reason.”

