GAANO NGA BA KADALING gamutin ang isang sugat? Pwede ka na lang bang kumuha ng band aid at basta na lang takpan thinking it would eventually heal? Siguro ang pinakamasakit sa lahat at ang pinakamatagal na maghilom na sugat ay iyong hindi nilapatan ng lunas. Iyong sugat na hindi pinagbigyan ng pansin. Naaalala ko noong bata pa ako, umiyak ako dahil sa kaunting sugat ko sa tuhod. I cried because I thought it would never heal. Sinisi ko ang naging kalaro ko. Panay ang sorry niya pero hindi ko siya pinakinggan. Hindi ko inakala na ganoon ang ugali ko noon. Halos mapaos ako sa kakaiyak ng mga panahong iyon. But days passed my wounds did heal, naghilom iyon pero ang sugat na nagawa ko sa damdamin niya ay hindi ako sigurado kung naghilom pa ba. I haven’t seen her since t

