THERE WERE PEOPLE scattered in the streets. Hindi ko namalayan pero nakikisiksikan na lang ako sa mga tao. “Aeyzha,” rinig ko ang urgency sa boses ni Eustace. Nilingon ko siya at nakitang sinubukan niyang sumunod sa ‘kin pero naipit siya sa gitna ng dalawang babaeng nakaharang. “I’ll just check what’s happening.” I heard him mumble a bit before I gave him a hesitant smile. Magkasalubong ang mga kilay ko at nagpatuloy sa pagkilos. But I was caught off guard when I realized what’s really happening in the middle of the plaza. Kahit ilang beses na akong nakatambay sa downtown, hindi ko pa rin mapigilang hindi mamangha sa paligid. Mula sa pagkakaayos ng tindig, medyo humaba pang leeg para lang makita ko kung ano’ng nangyayari sa unahan, medyo bumagsak a

