NATULALA AKO habang nakatitig sa passport at international visa na nasa mga kamay. “Ang bilis naman ata,” I whispered softly. Still can’t believe that this is indeed happening now. I gazed at Eustace and he just gave me a reassuring smile. “Minsan lang ako humingi ng pabor, hindi pa ba nila pagbibigyan?” aniya at tiniklop ang folder na binabasa. Nakapag-apply nga ako sa isang kompanya sa Michigan. Online ang interview and all at ipina-ship naman agad ang documents ko. Makalipas ang isang linggo ay heto na. . . hindi ako makapaniwalang ayos na at handa na agad ang lahat. “Ngayon pa lang ata ako nagsisimulang kabahan.” “You were very confident during the interview. Napangiti na lang ako. Sa kompanya ng totoong Tata

