“IT WAS TITA EMORIE,” boses ni Gwen na nanginginig at halatang kagagaling lang sa pag-iyak ang narinig ko. “It was her own mother, Eustace,” muling sabi ni Gwen. Palakas iyon ng palakas. Dahan-dahan kong ginalaw ang mga daliri ko hanggang sa nagawa kong idilat ang mga mata ko. Agad ko ring naipikit ang mga mata. Masakit ang ilaw na agad tumama sa mga mata ko. But I saw a glimpse of the sofa near me. Nakita ko pati na ang pagkain na nakalagay sa maliit na mesa sa tabi ng kama na kinahihigan ko. These few things provided me enough knowledge that I’m currently at the hospital. “S-Si Mom,” was all I could muster as I started to move. “S-She's awake,” agarang sabi ni Gwen at agad akong nilapitan. I felt something caress the back

