Austin's POV “Hindi na rin ako nag tagal kila Sophie at kailangan ko na rin umuwi sa amin. Nang makarating na ako sa bahay ay nag pahinga muna ako saglit, pumunta na rin ako sa banyo para maligo dahil sa sobrang init sa school at saka napawisan din ako kanina sa kakasayaw namin sa stage kanina. Pagkatapos kong maligo ay naalala ko ang palitan nang salita namin kanina ni Sophie. Nasabihan ko siya na ang ganda niya, totoo naman na maganda siya, pero hindi siya ang tipo na babae na gusto ko. Maganda siya, pero hindi ganun ang nais kong maging girlfriend. Ginagawa ko lang naman ito dahil kailangan niya ako at wala nang iba doon. Umupo na ako sa sofa at inantay na dumating ang pinadeliver kong pag kain. Wala din akong time para mag luto dahil sa sobrang pagod ayoko rin naman mag karoon nang

