23

2083 Words

NAGKAKAPE SI Trutty nang marinig ang door chime. Nagtakang tinungo niya ang pintuan. Wala siyang inaasahang bisita sa araw na iyon. Nagulat siya nang mapagbuksan si Blumentritt. Kaagad bumilis ang t***k ng kanyang puso. Kaagad niyang naramdaman ang masidhing pagnanais na yakapin ang binata at pupugin ng halik ang buo nitong mukha. Ginawa marahil niya ang naiisip kung hindi galit ang mga matang nakatunghay sa kanya. Itinulak ni Blumentritt ang pintuan ang basta na lang pumasok sa loob ng unit. Isinara ni Trutty ang pinto at mabilis na sumunod. Nagtataka at bahagyang kinakabahan sa nakikitang ekspresyon ng mukha ni Blumentritt. Noon lang niya nakita na nagalit nang ganoon ang binata. Madalas itong iritado lalo noong hindi pa gaanong nasasanay sa bagong mundong pinasok, ngunit may pakiramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD