“PASENSIYA KA na kung hindi ako nakabisita last week,” ang sabi ni Trutty kay Alana habang minamasahe ang kamay nito. Nilagyan niya iyon ng moisturizer kani-kanina lang. Tinulungan siya ng personal nurse na shampoo-hin ang buhok nito. Her hair was lovely. It had natural big curls. “Naging busy lang ako sa trabaho. Naimbitahan ako sa isang talk show. Hindi ako madalas lumabas sa TV, but this one has an interesting topic. I had to talk about feminism. Nag-enjoy ako na hindi madalas mangyari kapag nasa harap ako ng camera. The host—“ Natigil siya sa pagkukuwento nang makarinig nang katok sa pintuan. Bumukas ang pintuan at sumungaw ang ulo ni Andres. Halos awtomatiko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. Naging masaya ang dinner date nilang dalawa. Dinala siya nito sa isa sa mga restaura

