"Okay, I'll tell her," sabi ni Elle. Tumango naman si Ethan.
"Nakikita kita bilang nakababatang kapatid ko," sabi ni Elle. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kapatid?" tanong ko.
"Yes, my sister got bullied in her school," sagot ni Elle.
"Kaya no'ng nakita kitang nakaupo sa dulo at walang kausap, alam ko nang binubully ka, but don't get me wrong ha, kung tingin mo ay kinakaawaan kita, nagkakamali ka. Alam kong ayaw mong kaawaan ka namin kaya pwede na ring sabihin na tinutulungan ka namin," dugtong ni Elle.
"Where is your sister?" tanong ko. Huminga siya nang malalim kaya ramdam kong may mali.
"K-kung ayaw mong sabihin okay lang , sorry k-kung ang dami kong tano--" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"She died, pinatay siya ng mga nambubully sa kaniya," dire-diretsong sabi ni Elle.
"S-sorry," sabi ko at yumuko. Napaka tanga ko para tanungin ang gano'ng bagay.
"Okay lang, kaya huwag ka nang mag-isip nang masama about sa amin, we know na may trust issues ka dahil halata naman sa tanong mo kanina and we just want to help you, and maybe you can call us your friends," sabi ni Elle.
Tiningnan ko naman siya at nakangiti ito sa akin. Para silang anghel na ipinagkaloob sa akin.
"Salamat. Hindi ko alam kung paano kayo papasalamatan--" Naputol muli ang sasabihin ko nang magsalita si Elle.
"Hindi mo na kailangang magpasalamat," nakangiting sabi ni Elle.
Ibinuka niya ang braso niya at ngumiti sa akin.
"Uhm, you want a hug?" tanong ni Elle kaya naman lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
"Sali ako," parang batang sabi ni Ethan.
"Che!" sabi ni Elle at itinulak siya palayo.
"Hindi joke lang tara rito," sabay bawi ni Elle at hinila si Ethan papalapit sa amin. Niyakap naman kaming dalawa ni Ethan.
Natigil lang ang yakapan namin nang biglang may humalakhak nang malakas gamit ang malalim na boses na siyang bumalot sa buong lumang cr.
"Mamamatay din kayong lahat. Papatayin ko kayo," sabi ng demonyo gamit ang malalim na boses habang humahalakhak.
Bigla namang umilaw ang kwintas ko at nagbigay ito ng dilaw na umiilaw na harang o barrier kaya hindi nagawang makalapit ng demonyo sa amin.
Napaupo kaming tatlo at pinayuko ko sila.
"Huwag kayong titingin sa paligid, yumuko lang kayo," sabi ko sa kanila.
Pinipilit namang sirain ng demonyo 'yung barrier na nagpoprotekta sa amin.
Sinisira niya ito gamit ang lakas niya. Pinaghahampas niya ang nakapalibot na dilaw na liwanag na pumoprotekta sa amin. Kinakalmot niya rin ito gamit ang mahahaba niyang daliri.
Tumayo ako at hinarap siya. Hinawakan ko ang kwintas ko bago magsalita.
"Makasalanang demonyo ka! Kung sino ka man ay inuutusan kitang bumalik sa pinanggalingan mo! Kwintas na nagpoprotekta sa akin, tulungan mo ako upang maibalik ang demonyo sa pinanggalingan niya!" sigaw ko sa harap ng demonyo. Tumawa naman ito nang malakas.
"Walang sino mang tao ang kayang magpabalik sa akin sa impyer-" Naputol ang sasabihin nito nang biglang may sumulpot na itim na butas sa sahig na inaapakan niya.
"A-anong nangyayari? Anong ginawa mo sa akin?! Sino ka?!" sabi nito at unti-unting lumubog. Pinilit niya pang makawala pero hindi niya magawa dahil may mga itim na kamay ang humihila sa kaniya pababa.
"H-hindi, hindi!" sigaw nito at gumawa ng malakas na tunog gamit ang kaniyang malalim na boses dahilan para mapatakip ako ng tainga.
Sumabay din sa sigaw niya ang paggalaw ng buong cr na para bang lumilindol.
Ilang sandali ay nawala rin ang sigaw at nang tumingala ako ay wala na ang demonyo gano'n na rin ang dilaw na liwanag na pumoprotekta sa akin.
Dahil sa naubusan ako ng enerhiya sa ginawa ko ay napaupo ako. Sinalo ako ni Ethan. Alalang-alala siyang tumingin sa akin.
"H-huy okay ka lang? Ano'ng nangyari?" tanong ni Ethan. Tumingin naman sa amin si Elle at nang makita niya akong nanghihina ay kaagad siyang lumapit sa amin.
"A-anong nangyari sa'yo? At ano iyon?" tanong ni Elle. Ang tinutukoy niya ata ay ang demonyo kanina.
Sasagutin ko na sana siya kaso biglang may nagsalita.
"N-niligtas mo ako," sabi ng pamilyar na boses. Pagtingin ko ay tama ang hinala ko. Iyon ang boses ng babaeng multo na nanghihingi sa akin ng tulong dahil kinulong ang kaluluwa niya ng demonyo na ibinalik ko sa impyerno.
Nang tumingin naman ako kay Elle at Ethan, halata sa kanila ang pagkagulat. Ramdam ko rin ang kaba at takot nila nang makita nila ang multo.
Pinilit kong tumayo at nang makatayo ako ay tinabihan ko 'yung babaeng multo. Nanlaki ang mga mata nila sa ginawa ko.
"G-guys mabait siya huwag kayong mag-alala," pagpapagaan ko sa loob nila. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura nila at mukha pa rin silang natatakot.
"Tama ang sinabi niya, mabait ako please huwag kayong matakot sa akin," pangungumbinsi rin ng babaeng multo sa kanila.
"E-eh paanong h-hindi kami matatakot e-eh gan'yan 'yung m-mukha mo!" nanginginig at nauutal na sabi ni Ethan. Tinutukoy niya ang hitsura ng babae na nababalot ng mga dugo at maruming kasuotan at mga sugat.
Pumasok sa isang cubicle ang babaeng multo. Sinundan lang namin siya ng tingin at paglabas niya ay maayos na ang hitsura niya.
Mahahalata mong maganda siya kung sakaling buhay pa siya dahil maamo ang mukha niya at nawala na rin ang mga dugo na nakapalibot sa kaniya.
"Ito pwede na ba?" tanong ng babaeng multo kila Elle at Ethan.
Tumayo naman silang dalawa at lumapit sa amin.
"S-sino ka?" tanong ni Elle.
"Myra," pagpapakilala ng babaeng multo.
Bigla namang bumalik ang hitsura ni Myra sa nakakatakot na mukha kaya kaagad na napaatras si Ethan.
"S-sorry hindi ko kasi kayang panatilihin yung gano'ng hitsura ko nang matagal," sabi ni Myra. Tumingin naman ito sa akin.
"Maraming salamat at iniligtas mo ako," sabi nito at akmang yayakapin ako pero tumagos lang ito sa akin.
Rinig naman namin ang pagpigil ng tawa ni Ethan. Parang kanina lang ay takot lang siya pero ngayon ay natatawa na. Mukhang natatawa si Ethan dahil nang yakapin ako ni Myra ay tumagos lang ito.
Tiningnan naman siya ni Myra kaya napatigil din siya sa pagtawa.
"H-hindi ko sinasadya sorry," paghingi ng tawad ni Ethan.
"Ilang taon ka na rito?" tanong ni Elle.
"9 years," sagot ni Myra dahilan para magulat kaming lahat.
"9 years?" tanong ni Ethan. Tumango lang si Myra.
"Ano ba'ng nangyari sa'yo? Bakit nandito ka pa rin hanggang ngayon?" tanong muli ni Elle.
"Kinulong ako ng demonyong nang-alipin sa akin at hindi ako aalis sa mundong ito nang hindi nakakamit ang hustisya na hinihingi ko," sabi ni Myra. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya sa galit.
"H-hustisya?" tanong ni Ethan.
"Oo, sa lugar na ito--" Pinutol niya ang sasabihin niya at pumikit. Huminga rin siya nang malalim bago muling magsalita.
"Sa lugar na ito ako nagahasa," sabi ni Myra.