Umuwi ako ngayong araw na pinagtitinginan ng mga ka-schoolmates ko. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Maya-maya pa ay may humila sa akin at nang tingnan ko kung sino, nakita ko si Ethan at Elle na nag-aalala sa akin. "Ayos ka lang? Kumusta?" tanong nila sa akin. Ngayon lang kasi nila ako muling nakasama kaya ngayon lang ulit sila nakapagtanong. Kanina kasi ay pinabalik na sila sa Classroom namin habang ako ay pinanatili lang ni Miss Gina sa office upang kausapin ako kung ano ang gagawin namin. Pinakuha na rin ni Miss Gina ang bag ko kay Elle at pinadala sa office. "O-okay lang naman, kayo kumusta?" tanong ko sa kanila pabalik. "Ito, napalibutan ng mga tanong kanina, pati mga teacher natin nagtatanong kung ano'ng nangyari at bakit may mga Pulis sa school

