Nahimatay si Lira dahil sa kakaiyak isama mo pa na may sakit ito. Nandito kami ngayon kila Ethan. Dinala namin si Lira dito dahil kinukuha pa ng mga bodyguard ng lolo at lola niya ang mga gamit sa dating bahay ni Lira at inaayos pa ang mga problema katulad na lamang nang pagbabayad sa mga kailangang bayaran ni Lira upang makalipat siya at inaayos na ng lolo at Lola niya ang problema upang madala na siya sa bahay ng lolo at lola niya. Nakatingin lang si Tita Carol kay Lira na mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang siya muling nakita kaya nilapitan ko siya. "Saan po kayo nagpupupunta?" tanong ko rito. Nag-iba ang hitsura nito nang tingnan niya nang matagal si Lira. Nababalot siya ng itim na ugat na nangyayari kapag nagagalit ang isang kaluluwa. Wala namang nangyari sa kwintas ko at hindi

