"Mama!" sigaw ni Ethan habang takot na takot na nakakapit sa akin. Heaven pala ah. Nandito kami ngayon nakasakay sa vikings. Halos mahulog ang puso ko kapag pababa na kami. Ito naman si Ethan takot na takot at nakakapit pa sa akin habang nakapikit. Si Elle naman ay enjoy na enjoy. Tumitili pa si Ethan dahil sa takot. "Anong nangyari sa heaven na sinasabi mo?" tanong ni Elle kay Ethan pagkatapos naming sumakay sa vikings. "Mababa lang kasi 'yung sinakyan namin dati," sabi ni Ethan habang nagkakamot sa ulo. Inirapan na lang siya ni Elle. Nahihiya siyang tumingin sa akin kaya natatawa ako. Sunod kaming sumakay sa Ferris wheel. May dala palang maliit na camera si Ethan kaya nang makasakay kaming tatlo ay umupo siya sa harap naming dalawa ni Elle at pinicturan kami. Nag-picture rin naman k

