Nang makalabas kami ay kaagad na sumunod si Elle. "Anong meron? Bakit gan'yan ka?" tanong ni Elle. "Ha? Bakit?" tanong ko pabalik. "Parang galit ka eh," sabi ni Elle. Tumingin naman ako sa likod at nang makitang hindi pa nakakalabas sina Ethan at kuya Edmon ay humarap ako kay Elle. "Ramdam kong nagsisinungaling si kuya Edmon," sabi ko na ikinataka niya. "H-ha? Bakit? Paano?" sunod-sunod na tanong ni Elle. "Hindi ako sure pero iyon ang nararamdaman ko," sabi ko kay Elle. Magsasalita pa sana si Elle kaso naramdaman naming lumabas na si Ethan at kuya Edmon. Inaalalayan ni Ethan si kuya Edmon maglakad dahil nanghihina si kuya Edmon. Nagkatinginan kami ni Elle at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating sa principal's office ay hinintay namin si Ethan at kuya Edmon. Nang makarating s

