Nakatingin lang ako sa bintana habang iniisip ang nangyari kagabi. Masarap sa pakiramdam na naipaghiganti ko si Lola pero na-miss ko naman siya dahil alam kong siya ang magiging kakampi ko kung buhay pa siya. Papunta kami ngayon sa MOA dahil sabi ni Tita Rose ay naroon daw 'yung shop ng kaibigan niya na nagbebenta ng mga gown. Nakakakaba nga dahil baka mahal 'yung mga gown at hindi pasok sa budget ko. Nang makarating sa parking lot ay kaagad kaming bumaba at nang makapasok sa mall ay maraming tao. "Let's go! I'm so excited to show you the gowns!" wika ni Tita Rose at humarap kay Ethan. "Oh anak lumibot ka na rin at humanap ng susuotin mo. Magpasama ka kay kuya Jerry," wika ni Tita Rose. Si kuya Jerry ang driver nila. Dumiretso kami sa second floor nitong mall kung saan matatagpuan a

