Stella's POV Nagising ako at ang una kong nakita ay ang puting kisame. "Stella are you okay?" tanong ni Elle. Napalingon naman ako sa kaniya. Nakaupo siya sa tabi ng kama ko. "Nasaan ako?" tanong ko. "Nasa hospital ka," wika ni Elle. Naluha ako nang maalala ang mangyari. "Shh, nandito na kami Stella. You're safe." Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko upang pakalmahin ako. Nasa likod niya si Cedric na mukhang nag-aalala rin sa akin. Umiyak lang ako nang umiyak dahil hindi pa rin mawala sa akin ang takot dahil sa nangyari. Bigla kong narinig ang pagbukas ng pinto kaya kumalas ako sa pagkakayakap kay Elle at nang lumingon ako sa pintuan ay nakita ko si Ethan. Muling namuo ang mga luha sa mata ko nang makita ko siya kaya kaagad siyang lumapit at niyakap ako. "You're okay now, I'm

