The gay paparazzi is obviously intimidated after I gave him nothing but unfamiliar gaze. If I could remember correctly, isa ito sa mga mahilig gumawa ng article tungkol sa mga nagiging ka-fling ni Steven at ang relasyon nito sa mga babaeng iyon.
"Are the rumors true, Steven? You're marrying 'the' Davina Mariano? Well, obviously I think it's true since the two of you are in a date!" Masayang sabi ng paparazzi.
Hilaw ko lamang itong nginitian. Napasulyap naman muna si Steven sa akin bago nagsalita.
"Even if it's true, I think it's already none of your business, Nick." Steven seriously said to the paparazzi named Nick. Kahit ako'y ramdam ang lamig ng sinabing iyon ni Steven.
Mukhang nagulat naman si 'Nick'. Binuka nito ang bibig, mukhang may sasabihin, ngunit hindi na rin tinuloy.
I just observed Steven. He doesn't look angry at all.I think what made him intimidating right now is his poker face and cold voice.
"W-well, I bet Ms. Davina— or should I say future Mrs. Buenavista will be the last girl on your list, Steven? Hehe."
What would you expect from a paparazzi? Hindi ba niya makita na kumakain kami? And seriously, nakakaistorbo na siya. Another thing, ano ba itong mga pinagsasabi niya? Kailangan ko siguro 'tong patahimikin (not in a bad way) para hindi niya ako idamay sa kung ano mang article ang naiisip na niyang isulat.
"Of course. Iba sa Davina, I'm sure even you already know that." Steven unexpectedly said habang nakatitig sa akin.
The slight shock on my face after he said that is evident. But just for a matter of seconds since I immediately glared at him.
Hindi ba niya alam na sa sinabi niya ay mas lalong nagpapalakpak ang tenga ng paparazzi na 'to?!
"We're here purely for busi–" Sasabihin ko na sana nang biglang pinutol ni Steven ang sasabihin ko.
"Don't worry, we'll send you an invitation for our engagement party." Sabay ngiti ni Steven kay 'Nick'.
Eksaharadang tumawa ang paparazzi at pagkatapos ay nagpaalam din agad.
Pagkaalis na pagkaalis pa lang niya ay kinausap ko na agad si Steven tungkol sa mga pinagsasabi niya.
"You manipulative freak." I gritted my teeth sa sobrang gigil kay sa Buenavista na 'to.
Steven sighed. "One way or another, malalaman at malalaman din nila ang tungkol sa gaganaping kasal nating dalawa. It's better to inform them this early." Sabi nito na parang wala lang ang mga sinabi niya.
Hindi ako makapaniwala!
"Una sa lahat, hindi pa ako pumapayag–"
"Hindi 'pa'. Which means may chance na pumayag ka, and I believe na papayag ka. Malakas ang convincing powers ni mommy sa'yo and I'll also do my best para mapapayag ka." Steven leaned forward.
He didn't get it at all! The reason why I am mad right now is that he didn't even give me a chance to speak and decide for myself! Ayaw ko ngang ipaalam sa iba ang tungkol sa 'kasal' eh!
Ilang segundo pa ako nakipagtitigan kay Steven bago bumalik sa pagkain at umiling na lang. I don't want to argue with him in front of the food.
Hindi na rin siya nagsalita pagkatapos niyon hanggang sa matapos kaming kumain. I didn't protest after he insisted on paying our bill. Nanatili lamang akong tahimik.
Halata ko rin sa mga tingin ni Steven na mukhang tinatantiya niya ako.
"Let's go? It's already 8:15, we are still going to shop for your groceries, right?" Maingat niyang sabi.
I just nodded at him. Tumayo na kami pareho at naglakad palabas ng restaurant. I was in front of him as we walk towards the market since walking distance lang naman ang layo nito mula sa kinainan namin.
Iniisip ko rin kung bakit ba parang sumama ang pakiramdam ko sa nangyari. I may not have admitted it, but the truth is I am already considering marrying Steven, but only for a short period of time. All I have to do is to live in the same house and show the public that we're married. It's not as if I will give him my all once na kasal na kami.
But after what happened, iniisip ko kung kakayanin ko bang pakialaman ng ibang tao ang mga desisyon ko?
Simula nang mamatay ang tatay ko noong seventeen years old ako ay natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa at gumawa ng desisyon para sa sarili ko.
At ngayon, in just a snap, I would let my life be intruded by a person whom I barely know.
"I made you really upset, huh."
Mistulang nagising ako mula sa aking mga iniisip nang marinig kong magsalita ang lalaking nasa likuran ko.
I turned to look at him, but I can't seem to tell him what's running on my mind right now.
"Let's just go inside. Baka maabutan pa tayo ng closing." I simply told Steven.
He just sighed.
Pagkapasok namin sa entrance ay nilingon ko siya. Luminga-linga ito sa paligid at sa huli ay dumapo ang tingin sa akin, dahilan kung bakit kami nagkatitigan.
Is it just me or his eyes flickered with remorse, and his look seems to be begging... Umiwas din naman ito agad ng tingin.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong lagpasan at dumiretso upang kumuha ng push cart.
Ah. He said he'll be my assistant, though it's just weird dahil mukha siyang out of place sa lugar.
Lumapit na ako sa kaniya para maksunod siya kung saan ako pupunta.
"Where are we going first?" Tanong nito sa akin.
"Hmm, the condiments part."
Tumango naman ito at tinulak na ang cart, nakasunod sa likuran ko.
Kinuha ko sa sling bag na suot ang listahan ng mga kailangan kong bilhin na sinulat ko kagabi sa condo.
Kumuha ako ng asukal, toyo, mantika, asin, at iba pang mga kailangan kong pampalasa kapag gusto kong magluto.
I put all the things that I picked on the push cart behind me. Bago magtungo sa kabilang seksyon ay naramdaman ko ang tingin ng ibang tao.
I looked around us and saw some other buyers na napapatingin sa lalaking nasa likuran ko. Tiningnan ko naman si Steven upang makita ang reaksyon niya, but he is oblivious about the stares directed at him. Para pa itong may malalim na iniisip at nadadala lang sa reyalidad kapag tinitingnan ko siya.
"What is it?" Tanong niya.
"People are looking at you. Probably because you're wearing an office suit while buying groceries."
Mukha ngang hindi siya aware na tinitingnan siya ng ibang tao dahil nag-angat pa ito ng tingin sa paligid para kumpirmahin ang sinabi ko.
"Oh, probably because I'm handsome."
Here we go again. So conceited.
"Magtulak ka na lang diyan." Sabay iling ko.
He chuckled then went beside me.
Kung kanina ay nasa likuran ko siya, ngayon ay tumabi na siya sa akin.
"Davina," Tawag nito.
"Hmm?" Tanong ko habang tinitingnan ang label ng isang brand ng spam.
"I'm... sorry for what I did a while back. I know you're upset dahil pinangunahan kita."
I'm shocked. Steven Buenavista knows how to say sorry, huh? At alam niya ang dahilan kung bakit nag-iba ang mood ko...
Tinitigan ko siya ng ilang segundo, trying to find out if he's really sincere on what he said. Pagkatapos ng ilang saglit ay napalunok ito.
Nilagay ko ang spam na hawak sa cart at hinarap siya.
Dahil gabi na at kokonti na lang ang mga taong nadito ay ayos lang sa akin kung dito kami mag-usap.
"You're right. I really don't like it when someone gets ahead of making things or deciding on my behalf," I honestly said.
"Guess I'll just deal with it..." Sabi ni Steven.
"Huh?"
"Tama ka. I should also be practicing, hindi sa pambababae, but on how to be a good partner for you. I need to learn more about you in order to compromise in our future marriage..." Seryoso at sinserong saad nito.
Up until now, I can't believe that he's the type to get serious on these kind of things.
"You know what? Hindi ko alam kung seryoso ka ba sa mga sinasabi mo. You're the type to be the happy-go-lucky bachelor, someone women should be warned about. Mas maniniwala pa siguro ako kung ang kapatid mo ang–"
Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay tumunog ang ringtone ng cellphone ko.
I checked my phone and saw–oh...
Wow, what a coincidence. I was about to talk about him.
"Who's that?" Kunot-noong tanong ni Steven.
Kanina lang ay mukha siyang maamong tupa ah. What's with the change of mood?
Imbes na intindihin pa siya ay sinagot ko na lang ang tawag sa akin.
"Good evening, Davina. I'm sorry to call this late, but I have some important matters to discuss to you. Urgent matters."
"Yeah, sure Stephen. Just give me a few seconds."
"Why is my brother calling you at this time, Davina?!"
There's that irritated face of Steven Buenavista again. I sighed.