"Anak, where are you?" tanong sa kanya ng kanyang ama mula sa kabilang linya. Kaninang madaling araw pinilit n'ya si Ethan na bumalik na sa condo unit nito. Dito kasi malaya n'yang nagagawa ang lahat. 'Yon nga lang, lahat naman ng mga gawaing bahay ay sa kanya ang bagsak. Ayos lang naman! Ngayon pa lang kailangan na talaga n'yang magsanay. Medyo natututo na rin s'ya ng mga gawaing bahay kahit papaano. 'Yong pagluluto lang talaga ang hindi n'ya makuha-kuha. Kung hindi sunog, hilaw naman. "Bakit, Dad?" usisa n'ya sa kanyang ama. "Nakalimutan mo na ba? Birthday ngayon ni Evo, 'di ba?" "Nasaan s'ya, Dad?" "Nandito sa bahay natin. Ayaw ka n'yang tawagan dahil nagtatampo na 'yong kaibigan mo sa 'yo. Ikaw ang bestfriend n'ya pero ikaw pa itong nakalimot," pangongonsensiya nito sa kanya.

