"Mag-ayos ka na, ihahatid kita sa trabaho mo," anito na bigla na lang naging seryoso. Parang may something talaga ang kaibigan niya. At dahil bestfriend niya nga ito siguro kailangan lang talaga nito ng matinding pang-unawa. Umiling siya. "No need." "Don't be hard-headed! Ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo, Queen," anito sa kanya at dumila pa ito na parang asong hingal na hingal. "Goodness! Pahingi po ng maraming pasensiya! Nang sa gano'n hindi po ako makapanakit ng tao," piping dasal niya. "Hindi nga puwede, Evo! Baka mamaya may makakita pa sa 'kin, e! Baka isipin pa ng mga iyon na nagpapanggap lang ako! Ayaw kong sumakay sa sasakyan mo, Evo. Hindi puwede! Kaya huwag kang makulit at huwag mo akong kulitin nang kulitin kung ayaw mong bangasan ko 'yang mukha mo," seryoso niyang saa

