Ang aga-aga mainit na kaagad ang ulo ni Yna. Kagabi kasi tinawagan siya ni Ate Rosie, ang sekretarya ni Ethan at sinabing kapag na-late pa raw siya kahit na isang minuto ay parurusahan na raw siya ng boss niyang supot. Araw-araw daw kailangan niyang mag-report sa opisina nito. Dahil kung hindi babawasan daw nito ang suweldo niya kahit na maaga pa siyang nakapag-in sa machine. Eh, 'di wow! Wala naman siyang pakialam kahit bawasan pa nito ng ilang libo ang sahod niya. Kaya lang ang inaalala niya baka isipin ng mga katrabaho niya na matigas ang ulo niya dahil hindi siya marunong sumunod sa nakatataas. Anong kabaliwan na naman kaya ang naisip ng supot na 'yon? Sabagay, puwede rin naman siyang bumawi rito sa ibang paraan. Hindi man ngayon pero sisiguraduhin niyang makakaganti rin s

