Masayang-masaya si Ethan dahil sa namagitan sa kanila ni Yna. Hindi n'ya kasi inaasahan na mangyayari iyon. Ito na yata ang pinakamagandang almusal na naranasan n'ya sa buong buhay n'ya. Kakaibang almusal sa lahat. Pinakamasarap at bukod tangi. Hindi n'ya ramdam ang pagod dahil nangingibabaw ang nararamdaman n'yang kasiyahan. Bago s'ya tuluyang lumabas sa sarili n'yang kuwarto narinig n'ya pa itong mahinang nagmumura habang sinusuntok-suntok ang unan. Ito naman ang nagsimula, eh. Inakit-akit s'ya tapos hinawakan pa ang alaga n'ya. Hindi naman sana mangyayari ang ganoon sa kanilang dalawa ni Yna kung hindi s'ya nito inakit-akit. Pakiramdam n'ya lumilipad s'ya sa alapaap ngayon. Panira lang talaga ng araw ang taong nasa labas ngayon. Sa madaling salita isa itong malaking istorbo

