Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. "Look, I'm sorry, okay? Mag-o-over time na lang po ako mamaya. Gusto niyo po three hours pa, eh. O, 'di kaya apat, lima, anim na oras pa. Huwag na po kayong magalit, Sir," mahinahon niyang saad habang nakangiti. Ang bait niya dahil malumanay ang tono ng pananalita niya. Sa sobrang bait niya hindi na niya kilala ang sarili niya. Kung iyon lang ang inaalala nito wala namang problema kahit abutin siya ng hatinggabi sa pagtatrabaho para lang matahimik ito. "That's not the point!" anito na masama pa rin ang timpla ng mukha. Ayaw ng malumanay na pag-uusap dahil ang gusto yata nito sigawan. Sigaw pa rin nang sigaw kahit na magkalapit lang naman sila ng puwesto. Pero kahit sigaw ito nang sigaw magpapakabait pa rin siya gaya ng ipinangako niya sa sarili kan

