Habang tumatagay si Evo siya naman ay nakatuon lang ang pansin kay Ethan. Kapag nagagalit kasi si Ethan parang gusto niya itong halikan. Kaya lang wala naman silang relasyon kaya bakit niya iyon gagawin? Hindi naman siya kaladkarin kaya hindi niya iyon gagawin. Pero hindi rin naman siguro masama na halikan niya ito. Kiss lang naman, eh. Wala namang masama sa kiss. 'Yong iba nga nakipagsalpukan na pero parang wala lang. Kung sa iba uso ang one-night stand. Sa kan’ya hindi puwede ‘yon! Dahil may dangal s'yang iniingatan siyempre! Kanina n'ya pa hawak-hawak ang isang baso na may lamang alak pero hindi n'ya pa iyon nababawasan. Bawat taong lumalapit kasi kay Ethan ay mariin niyang pinagmamasdan. He's cute! Alam n'yang galit ito dahil sa mga pinagsasabi n'ya kanina. Para itong b

