Episode 36

1656 Words

Hindi alam ni Ethan kung bakit s'ya pumayag na tumira si Yna dito sa condo unit n'ya. Natatawa s'ya sa sarili n'ya ngayon kahit wala namang nakakatawa. Nababaliw na nga talaga s'ya! Nang pumayag s'yang tumira ito dito sa condo unit n'ya ay nagmamadali itong umalis habang malapad ang pagkakangiti. Uuwi raw muna ito para kunin ang mga damit nito. Halos magdamag kasi siya nitong kinulit kaya napilitan na lang siyang pumayag sa huli. Tuturuan n'ya ito ng leksiyon habang nasa poder n'ya ito. Kung paano kumilos ng tama at kung paano makisama. Sa nakikita n'ya kasi kay Yna, mabilis uminit ang ulo nito. Wala rin itong pinipili dahil lahat pinapatulan. Tapos lahat ng bagay parang hindi nito siniseryoso. S'ya ang masusunod at wala itong magagawa sa pagkakataong ito kundi ang sundin s'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD