Dahil sa mga nasaksihan ni Ethan hindi muna siya pumasok ng isang linggo sa Vnet. Sinabihan n'ya ang kuya n'ya na ito na muna ang bahala sa lahat. Siguradong nagtataka na ang mga empleyado n'ya dahil hindi naman talaga n'ya gawain ang lumiban sa trabaho. Hindi rin siya umuwi sa bahay nila bagkus ay nanatili muna s'ya sa condo unit na. Alam n'yang nag-aalala na ang kuya n'ya pero sinabihan n'ya itong maayos naman ang kalagayan n'ya at gusto n'ya lang na mapag-isa. Isang linggo na s'yang nagkukulong dahil pakiramdam n'ya bibigay na ang utak n'ya. Gusto n'ya munang ipahinga ang isip n'ya. Ang puso n'ya at pati na rin katawan n'ya. Gusto n'ya sanang kumustahin si Yna kaya lang baka malasin na naman s'ya kaya pinigilan n'ya ang sarili. Balak n'yang bigyan na lang ito ng pera para magp

