Biglang uminit ang ulo ni Ethan nang makita n'yang hinalikan ni Yna ang kaibigan n'yang si Vince. Parang bigla s'yang tinubuan ng sungay! Lagi silang magkasama pero kahit kailan hindi s'ya nito hinalikan, samantalang si Vince hinalikan nito at tumagal pa talaga ng ilang segundo. At dahil mainit ang ulo n'ya, hindi n'ya rin pinapansin ang dalawa n'yang kaibigan na ngayon ay tinutulungan si Yna sa mga gawaing bahay. Kung dati takot na takot ang dalawa sa janitress n'ya, ngayon naman hindi na ito humihiwalay sa huli. Nagtatawanan pa nga ang mga ito habang naglilinis, eh. Akala mo matagal ng magkakilala para bigyan ng kung ano-ano si Yna. Nakakainit talaga ng ulo lalo! Panay pa ang tulakan ng mga ito na akala mo mga batang paslit. Ni hindi nga iniinda ng mga ito ang mga gawaing bahay n

