Hindi na mabilang ni Ethan kung ilang beses na s'yang napabuntong-hininga. Bukas na ang kaarawan n'ya pero hindi pa rin nagpaparamdam sa kanya si Yna. Mukhang malabo na talaga itong magpakita sa kanya dahil 'yong huling pag-uusap nila ay hindi na nasundan pa. Kung alam n'ya sana kung saan ito nakatira malamang araw-araw n'ya na itong pupuntahan. Balak n'yang puntahan sina Nick at Vince. Pakiramdam n'ya kasi alam ng mga g*gong 'yon kung saan nakatira si Yna. Siguro gumawa lang ng kuwento ang dalawa na nakita nito si Yna sa mall para buwesitin s'ya. Naliligo s'ya nang marinig ang doorbell. Kaya naman nagmadali na s'yang maligo para mapagbuksan kaagad ito ng pintuan. Gano'n na lang ang pagkagulat n'ya ng mabungaran ang nakasimangot na mukha ni Yna. Sh*t! He missed her so much! Aft

