"What?! Eeeew! 'Wag kang nagsasasama kay Adda, nasisira na rin tuktok mo eh!" Lukot na lukot sa pandidiri ang mukha niya. "Hahaha akala ko eh." "Bakit?" "Ang concerned mo kasi sa kanya. Ang dami mong sinasacrifice for her." "Ayokong magaya siya sa mama ko. Naikwento ko naman sa 'yo 'di ba? Nung sila pa ng Papa ni Elijah palagi siyang nabubugbog. At isa pa, kaibigan mo siya." "Ano naman kung kaibigan ko siya?" Bigla niya akong inirapan, "Aba? Attitude ka ah? Hahaha!" "Manhid ka eh." Inayos niya ang mga gamit kong nasa mesa. "At paano naman ako naging manhid?" "Wala." "Torpe." "Ano?" "Wala!" "Hindi ako torpe." "'Di rin ako manhid." Natahimik kaming dalawa habang nagkakatitigan. Nagpapakiramdaman sa isa't isa. Bakit ba kasi hindi niya pa sabihin? Alam ko naman eh, alangan na

