Claire's POV
Mula nang dumating kami hanggang sa pagpasok sa bahay ay panay ang pagsusungit ng mga kuya ko kay Clark.
"Gaano na kayo katagal?" si Kuya Miko.
"A-ah, mag 2 months po." Pigil na pigil ang tawa ko dahil napakalaking tao ni Clark at napakalaki din ng boses. Tapos todo po at opo sa Kuya kong hindi naman kakisigan.
"Bakit ngayon ka lang namin nakita? Hindi ka ba tinuruan ng magulang mo na manligaw sa bahay ng babae?" si Kuya Carlo.
"A-aah k-kasi po," Tumitingin siya sa akin na para bang nanghihingi ng tulong. Nagpipigil ako ng tawa habang umiiling-iling.
"Hoy! Kayong dalawa, tama na nga 'yan." utos ni Kuya Von. "Hayaan mo 'yang dalawang 'yan, ganyan talaga sila. Pero bakit ngayon ka nga lang namin nakita? Maganda sana talaga kung nakilala ka namin ng mas maaga."
"I'm sorry about that."
"I'm serry ebout thet." Kuya Carlo mimicked him kaya naman binatukan ito ni kuya Von.
"Pasensiya ka na, ganyan talaga siya haha."
"It's okay, Sir. As I was saying, pasensiya na kayo dahil hindi po kami nakapunta kaagad. We're helping a friend kaya sobrang nabusy po kami ni Claire. Medyo malaking gulo po kasi ang napasukan ng kaibigan namin kaya na-occupy po doon ang atensyon namin," paliwanag nya.
Nag cross-arms si Kuya Miko at sunod na nagtanong, "Eh bakit ka makikitira dito? Maliit ang bahay namin at masikip."
"Hoy! Magsitayo na kayo diyan at kumuha ng mga plato. May bisita tayo, kung ano anong kabulastugan ang ginagawa niyo," sita ni mama na may dalang kaserola na may ulam. "Clara! Halika tulungan mo ako."
Lumapit naman ako at inayos ang patungan sa lamesa habang sila Kuya naman ay kumuha ng kanin at mga kubyertos.
"Fatima! ‘Andito na 'ko!"
"Papa!" tumakbo ako para salubungin siya.
"Oh, Clara! Nandito ka na pala." Yumakap ako at nagmano.
"Opo, kadarating."
"Hello po, Tito." Nagmano rin siya.
"Oh, ikaw na ba ang boyfriend ng anak ko?"
"Opo," hiya niyang sagot.
"Aba, napaka gwapo mo naman pala ano?"
"''Di ba?" singit ni Mama. "Napaka matso pa, naku! Kaiinggitan ka na naman ng mga pinsan mo 'nak!"
"Si mama talaga, hahaha."
Nagsi-upo na kami sa hapag-kainan at kumain. Nagdasal muna kami at isa isang nagsisandok. Una ko nang hinapagan ng tinola si Clark dahil sigurado akong hindi siya titirhan ng dalawa kong Kuya.
"Doon ka na sa kwarto ni Clara matulog, at wala naman tayong ibang kwarto dito."
"Ano?! Bakit magtatabi sila? Hindi pa sila kasal!" angal ni kuya Carlo na agad ding binweltahan ni Mama.
"Hoy! Akala niyo ba hindi ko alam na nag-uuwi kayo ng girlfriend dito nyan ni Miko kapag wala kami? Atleast si Clara matinong hinaharap sa amin ang boyfriend nya!"
"Pero ‘Ma, babae si Claire!"
"Tama na 'yan, matanda na ang kapatid niyo," wala na silang nagawa nang si papa na nag magsalita.
Pagkatapos namin kumain ay inayos namin ang mga gamit sa kwarto ko.
"Your room looks cute. Fan ka pala ng Ghibli?"
"Oo, actually si Kuya Von. Nung maliit pa kami, lagi niya kino-connect sa TV yung laptop niya tapos nanonood kami ng Ghibli Movies."
"Siya ba ang panganay, hindi si kuya Miko?"
"Hahaha hindi, piling panganay lang 'yon." Inabutan ko siya ng tuwalya. "Kuha ka na ng damit mo tapos ligo ka na. Sunod ako after mo."
Clark's POV
I've been so uncomfortable this whole time. They're all f*cking with me. Mabuti na lang at mabait ang parents at Kuya Von ni Claire. Ang Miko at Carlo na 'yon ang init ng dugo sa 'kin. Pero naiintindihan ko rin naman. Tama naman sila na dapat nagpakita ako kaagad habang nanliligaw pa lang.
Nagpalinga-linga ako sa loob ng kwarto niya at hinanap ang banyo, "Where's your bathroom?"
"Wala dito, nandoon sa tabi ng kusina. Makikita mo naman agad 'yon." Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako umimik.
Kanina pa siya nagaalala na baka hindi ako maging kumportable, ayokong nagaalala siya.
"I'll go take a shower," paalam ko.
Pagdating sa kusina ay si Kuya Von ang nakita ko, "Is this your bathroom?"
"Oo pasok ka dyan," sagot nya habang umiinom ng tubig.
Sobrang liit ng banyo, walang shower at bidet. Kulay pink ang lahat pati pader at sahig. Kinikilabutan ako sa nakikita. At lalo pa akong nagimbal nang makita ang mga nakasampay na underwear malapit sa bintana.
"F*ck," I tried my best na huwag nang pagtuunan ng pansin 'yon at nagsimula nang maligo.
Habang nagbibihis ako ay napukaw ang atensyon ko sa isang pulang panty na nakasampay.
'Bling bling baby'
Basa ko sa design nito na nakasulat gamit ang rhinestones. Napangisi ako at kinuha 'yon. Hindi ko akalaing may ganitong underwear pala ang girlfriend ko. Ibinulsa ko 'yon at balak kong ipasuot sa kanya mamaya.
“Ang tagal mo naman,” bungad ni Kuya Miko paglabas ko.
Magso-sorry sana ako nang bigla niya akong hawiin pagilid at diretsong pumasok sa banyo.
“Hahaha, goodluck pre. Overprotective ‘yan kay Clara,” sabi ni Kuya Von at tinapik ako sa balikat.
“Halata nga po eh,” nginitian ko siya at nagpaalam na rin.
"Baby, I'm done."
I'm wearing a black shirt and white shorts as I'm drying my disheveled hair.
"Okay, ako naman." Lalabas na sana siya when I caught her arm.
"Wait," I smirked at inilabas ang panty sa bulsa ko. Hawak ko 'yon gamit ang isang daliri at kinindatan siya. "Wear this so you'll bling bling baby,” malandi kong sabi.
"HAHAHAHA!" Pinaghahampas niya ang braso ko, "Kay Mama 'yan!"
Gusto kong mamatay, gusto kong makapatay, gusto kong maglaho. Kaagad akong kumuha ng alcohol at halos iligo ito, "F*ck! Aaaarrrgghhh!"
"HAHAHAHA!" Kinuha niya ang panty at binasa ang nakasulat, "Bling-bling baby pala gusto mo ha? HAHAHAHA"
"Maligo ka na," seryoso kong utos. Tawang-tawa pa rin siyang lumabas at biglang inihagis sa akin ang panty.
“Kadiri, t*ngina!”
Nang akala kong tapos na ang kalbaryo ko, biglang kumatok ang Mama niya.
"Andyan ba si Claire? Yung panty ko sa banyo kinuha niya ata."