"Babe!" Lakad-takbo kami ni Mama para mahabol siya. Ang lalaki ng halbang at napakabilis ng lakad niya, ito ang nakakatakot kay Clark. May history ng abuse ang Mama niya kaya kapag nalalaman niyang may nabubugbog, para bang nawawala siya sa sarili. "Tao po!" dinig sa boses niya ang panginginig. "Babe, kumalma ka please." Hinawakan ko ang kamao niyang nanginginig, "Ayaw mo namang makita kang ganyan ng mga bata 'di ba?" Neneng's POV "Wow Kuya, makikita na natin si Nanay. Bukas na kaya tayo aalis?" "Sshh!" nitakip ni Kuya yung bibig ko, "'Wag ka maingay, baka marinig tayo" "Bakit? Papaalam naman tayo ate Clara." "Oo, pero hintayin muna nating mapagpaalam tayo kasi baka hindi tayo payagan." " Osige," nagsmile ako kay Kuya kasi excited ako talaga. "Neng! Kunin mo nga yung tuwalya ko

