Kanina ko pa sila kasama pero ngayon ko lang nalaman na sila pala ang may-ari. Nakakahiya! "Hahaha! Gulat na gulat ka naman, eto inom ka pa!" Sabay abot niya ng alak. "Napepressure tuloy ako!" "Hahaha don't be. Isipin mo na lang na magbabarkada lang tayo," si Scott. Nauwi kami sa pagpaparty sa taas. Kaya naman pala alam nila 'tong bar na 'to kahit nakatago, sakanila naman pala. Panay ang tingin ko sa phone, maya't maya ko ring ino-on ito hoping na may messages si Clark. Pero inabot pa ng alas siyete ng gabi bago niya ako hanapin! "Nagpakasasa ka siguro sa ibang babae bago mo pa 'ko hanapin." "Boyfriend mo?" "Ay! Palaka!" Bumulong siya sa mismong tenga ko kaya napatalon ako sa gulat. Napakalapit naman kasi niya at ramdam ko ang hininga niya sa batok ko. "Oo." Naupo ako sa bar st

