Miko's POV Napakaraming pinapagawa ng mga lintik. Ayaw naman magtaas ng sahod, puro na kang utos. Napadami kong bitbit at halos magkalaglagan na nang buksan ko ang pinto papasok ng bahay. Tatawagin ko sana si Mama pero pagpasok ko ay nakatipon pala sila sa sala. Nandito pala si Edwina mukhang pera. "Paano mo nakilala si Gov?" tanong ni Edwina. "Tauhan siya ng Papa ko." Napatingin kaming lahat kay Clark. Alam kong mayaman siya. Pero tauhan ng Papa niya si Gov? Gaano ba kayaman ang taong ito? Ang sabi ni Claire direktor ang Tatay niya at nang hanapin ko mukhang hindi naman ganon kasikat. "May problema ho ba roon? Kung meron tatawagan ko si Dequilla para maayos natin." Akmang kukunin niya ang cellphone niya nang pigilan siya ni Edwina. 'Hindi man lang ginagalang si Gov. Talagang sa

